HOME | DD

alfaghor — akasha...
Published: 2014-07-08 02:35:44 +0000 UTC; Views: 287; Favourites: 1; Downloads: 0
Redirect to original
Description I
 aling yaman ba namang ika'y malaman,
 unang utos yaring 'di ko mawarian,
 saan tutungo, saan ba patatantuan?
 aking landasing walang siguradong puntahan..

II
 ngunit ako'y nabihag, naipit ng todo,
 isa bang pagkakamali ang mapalapit sa iyo?
 wala akong pagdududa, kung meron wala na ito,
 'pagkat tanggap na ang halimuyak ng ganda mo..

III
 ilang beses isang araw na tayo'y magkasama,
 isang silid sa isang sulok doon nagkasya,
 ligayang dulot ng mga pag-iimbita,
 sa iyo ako'y lamang tila 'di mawaring mahalina..

IV
 mamaya at bukas ay tila pinaka-aabangan,
 na tayo'y muling magkasilayan sa isang upuan,
 yari man lamang 'di magpansinan,
 upang 'di matugunan ang tagong katotohanan..

V
 bakas sa sahig na sadyang may busilak,
 ningning ng araw ay 'di na mahagilap,
 yaong tinginang walang isnaban,
 tagong bangkua'y nalingon nawala ng biglaan..

VI
 guhit ng kamay na may nais mapilantik,
 sigaw sa nyebeng kay tigas at kay lamig,
 buhay na buhangin sa mata ko'y nakapuwing,
 ihip ng buhay sa iyong damdami'y piniin..

VII
 pakpak mo sa likod 'di mo kampayin,
 lilipad ka yata sa tulin ng takbuhin,
 ilang milyang layo'y madali mong narating,
 upang kutis ay mabilad at kumislap ng gintuin..

VIII
 kariktang angkin na kahit sa gabi masilayan,
 ubeng kay tamis yaring nag-ansabalutan,
 tubong bulaklak magprutas ng may kahinugan,
 inaalay sa ganda at tangi mong yaman..

IX
 apating katayuan mga tuklasing kinaaabangan,
 sa abilidad mong yao'y tinig ay may linamnam,
 malayo man o sa may 'di kalayuan,
 mga ibong lira sa nyebe'y tila nabubuhayan..

X
 paano kaya kita maabot kung pakitunguha'y malapot,
 kahit tunawin sa apoy ay 'di nagbuhos,
 kibuin mang kusa'y iba ang naidudulot,
 sa galaw at tindig mga mata'y 'di matulos..

XI
 mga minsa'y naging madalas kalauna'y nagwagas,
 mga pagkakataong umagahin abutin ng palaspas,
 mga kaway na 'di natin mapagtagpo't mapagkumpas,
 sa guhit ng palad na lang sana magkrus ating landas..

XII
 isipang bagot, pagod pa ang katawan,
 sa trabahong akalain asahang magbigay lunas,
 bukas na bintana'y pintong binalibag,
 naroon at nag-aabang ng kalinawan..

XIII
 sa huling pagkakataon sana'y 'wag pag-isipan,
 malayong lakbayin ng ating landasing hulaan,
 tayo'y namili, dumako sa magka-ibang pangpang,
 kahit siguro antayin malayo ka't ako'y mag-aabang..

XIV
 abot kamay lang ako sa iyo'y subukan,
 turingang sana'y walang wagas sa iyo ilalaan,
 salitang bilang ngunit laging pagka-isipan,
 'wag bigyang pansin mga pangungutyang ako'y walang kinalaman..

XV
 huling letra ng dulong paalam,
 maaring maabot maging totoo ka lamang,
 kasinahunan ako'y magpapaalam,
 iyong intindihin nariya't ako'y nandito lang, patuloy sa iyo'y mag-aabang...

  —cæle, v.29062005
Related content
Comments: 3

powerbuffy [2014-08-02 04:49:31 +0000 UTC]

ang ganda naman nito, ngayon lang ulit ako nakabasa ng tulang Pilipino

👍: 0 ⏩: 1

alfaghor In reply to powerbuffy [2014-08-03 20:25:26 +0000 UTC]

maraming samalat  

👍: 0 ⏩: 0

princessanastasia434 [2014-07-08 02:36:37 +0000 UTC]

Flagged as Spam

👍: 0 ⏩: 1

alfaghor In reply to princessanastasia434 [2014-07-08 07:52:40 +0000 UTC]

thanks and salamat

👍: 0 ⏩: 0